Thursday, February 25, 2010

Minsan may isang gamu-gamo!

Minsan naisipan ni MD na tumakbo para pumayat. Naghihimutok na kasi ang mga damit niya sa laki ng tiyan niya.

MD: Sino'ng nagsabing tumataba ako? Lumiliit ang mga damit ko noh!


 

Okay, fine! Tumatakbo pala siya kasi gusto lang niya. Tingin niya mukha siyang sosyal kapag nagja-jogging siya.

MD: Das better!


 

Habang siya ay tumatakbo sa kahabaan ng Bagtikan, napansin niya ang isang Penguin na na nagmumukmok sa isang tabi. Dahil sa likas na mabuting tao at busilak ang loob (at gwapo) si MD, kanya itong nilapitan.

MD: Penguin, bakit mukha kang malungkot? May maitutulong ba ako sa'yo?

Penguin: I dunno, MD. I've always wanted to like make mukmok in one corner and like cry and cry galore. But I know naman na wala akong mapapala if I do that. I feel so crushed right now. As in! Promise!


 

Naramdaman ni MD ang poot ng loob na nararamdaman ni Penguin. Napaisip siya ng mataimtim.

Ano nga naman ang pwede niyang sabihin kay Penguin upang mapagaan ang loob ng kaibigan niya?

Huminga siya ng malalim at dahan-dahang sinabi:


 

MD: Ano'ng drama yan? Wala pang award giving body ang nagbibigay ng award sa mga sa emo! Bumangon ka nga't tumingin sa paligid mo? Hindi lang ikaw ang may problema. Imulat mo ang mga mata mo at alamin ang problema ng ibang tao. Baka mahiya ka sa problemang binibitbit ng ibang tao at maisip mo katiting lang yang dinadala mo. At ano naman ang mapapala mo sa pagmumukmok? Malulutas ba ang problema mo? Natulungan na ba nito ang lumalalang pagtaas ng presyo ng bubble gum?


 

Biglang tumingala si Penguin.

MD: (bulong sa sarili) ayos ka talaga MD! Galing mo magbigay ng advice! Kung subukan mo kayang maging motivational speaker? Hindi mo lang matutulungan ang mga taong nalulumbay, kikita ka pa ng limpak limpak na salapi!

Naisip rin ni MD na kapag tumawa si Penguin, napasaya na niya kahit papaano ang kaibigan. Ngunit kung hindi tumalab, iiwanan na lang niya itong magmukmok hanggang sa tubuan ng kabute na kanya namang iha-harvest pagdating ng tamang panahon at ibebenta sa Ongpin. Win-win situation kumbaga para sa kanya.

Penguin: Hayop ka! Mas may concern ka pa sa presyo ng bubble gum kaysa sa akin!


 

Yun lamang po.


 

Thank you so much!

1 comment:

  1. Base!

    "Penguin: I dunno, MD. I've always wanted to like make mukmok in one corner and like cry and cry galore. But I know naman na wala akong mapapala if I do that. I feel so crushed right now. As in! Promise!"

    Hayup ka talaga! MD! Hayup ka talagah!!! hahaha!!!!

    pero na patawa mo ako ah?.. hehe.. :-D

    ReplyDelete